Biyernes, Setyembre 6, 2013

Tatlo pang Senador, Sangot sa Pork Scam ni Napoles


Dalawa pang saksi ang nagpahayag sa Senado nito lamang Huwebes, ika-5 ng Setyembre 2013, na nagsasabing sangkot ang tatlo pang senador na dawit sa Pork Scam di umano ni Janet Lim-Napoles.

https://encrypted-tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcS7-ywGz8CN5w32MJV4xRUN9Hd6eQt7zmwUboF3lppKpmxerez7LA



Ayon kina Alan Javellana at Rhodora Mendoza, dating president at bise president ng finance at administration ng National Agribusiness Corporation, ang nasabing mga senador ay sina Juan Ponce-Enrile, Jose “Jinggoy” Estrda at Ramon “Bong” Revilla.
UNTV CUP sa Unang Pagkakataon

Ang UNTV Cup sa kauna-unahang pagkakataon ay isa sa mga proyektong public service na pinangungunahan ni Kuya Daniel Razon ang inilunsad sa Smart Araneta Coliseum noong ika-29 ng Hulyo 2013.

Binubuo ang mga koponan ng mga public servants. Kabilang na dito ang pangkat ng Armed Forves of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Justice (DOJ), Supreme Court (SC), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philhealth, at ang team Congress/LGU’s.

https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcT06yAmmshTcNjqWli0FJfM5CGhttdLzyqExHj-ee4W46sA7WcD


Hindi rin mawawala ang mga celebrities sa bawat koponan. Nandoon sina Emilio Garcia, James Blanco, Allen Dizon, Jordan Herrera, Onyok Velasco, John Hall, Eric Fructuoso, Jao Mapa, Michael Flores, Ervic Vijandre at ang magkakapatid na Kier, Brandon at Zoren Legaspi na magpapakita rin ng kanikaiyang gilas.


Sa Nobyembre magaganap ang kampyonato ng UNTV Cup kung saan apat na koponan ang maglalaban para sa semi-finals at ang dalawang top teams naman ang maglalaban para sa masungkit ang kauna-unahang kampyonato.
Libre Ako ay isang iskolar sa isang paaralan kung saan ang lahat ay libre. Libreng tuition, miscellaneous fees, pagkain, uniform, libro, dorm, at kung wala kang pamasahe ay maari ka rin namang humingi. Saan pa ba tayo makakakita ng paaralang tulad nito? Libre ang lahat, at ang tanging kailanagan lamang ay ang mag-aral kang mabuti at gumawa ng magagandang grado.
 Bukod sa pagiging libre, ang mga estudyante at ang mga guro dito ay tinuturuang magtaglay ng mabuting asal at pag-uugali. Bawat isa ay may takot sa Dios.

http://jhona27.files.wordpress.com/2013/02/nstp.jpg

 Isang napakalaking oportunidad ang makapag-aral ng libre ay mag-aral sa isang paaralang ang mga tao sa loob at labas nito ay may takot sa Dios. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, mahirap na makapag-ipon ang mga magulang ng pang matrikula ng kanilang mga anak. Kaya naman salamat sa Dios at nagkasangkapan Siya ng mga taong handing tumulong sa mga kabataang nais mag-aral at makapagtapos ngunit hindi kayang suportahan pinansyal.
 Tunay  ngang napaka laking tulong ang La Verdad Christian College na itinatag nina Bro. Eli Soriano kaalinsabay ang “Mr. Public Servant” Kuya Daniel Razon  sa mga kabataang may pangarap. Ang paaralang ito ay siyang nagiging daan sa pag-abot ng ating mga pangarap. At ako ay nagpapasalamat dahil isa ako sa mga iskolar sa paaralang ito.