Biyernes, Setyembre 6, 2013

Libre Ako ay isang iskolar sa isang paaralan kung saan ang lahat ay libre. Libreng tuition, miscellaneous fees, pagkain, uniform, libro, dorm, at kung wala kang pamasahe ay maari ka rin namang humingi. Saan pa ba tayo makakakita ng paaralang tulad nito? Libre ang lahat, at ang tanging kailanagan lamang ay ang mag-aral kang mabuti at gumawa ng magagandang grado.
 Bukod sa pagiging libre, ang mga estudyante at ang mga guro dito ay tinuturuang magtaglay ng mabuting asal at pag-uugali. Bawat isa ay may takot sa Dios.

http://jhona27.files.wordpress.com/2013/02/nstp.jpg

 Isang napakalaking oportunidad ang makapag-aral ng libre ay mag-aral sa isang paaralang ang mga tao sa loob at labas nito ay may takot sa Dios. Dahil sa hirap ng buhay ngayon, mahirap na makapag-ipon ang mga magulang ng pang matrikula ng kanilang mga anak. Kaya naman salamat sa Dios at nagkasangkapan Siya ng mga taong handing tumulong sa mga kabataang nais mag-aral at makapagtapos ngunit hindi kayang suportahan pinansyal.
 Tunay  ngang napaka laking tulong ang La Verdad Christian College na itinatag nina Bro. Eli Soriano kaalinsabay ang “Mr. Public Servant” Kuya Daniel Razon  sa mga kabataang may pangarap. Ang paaralang ito ay siyang nagiging daan sa pag-abot ng ating mga pangarap. At ako ay nagpapasalamat dahil isa ako sa mga iskolar sa paaralang ito.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento